embed embed2
Bonding with Mommy D
FEB 18, 2021 5:00 PM
Live Now
100 seats remaining Sign Up Now
Dengue: Mga Sintomas na Dapat Bantayan, Ayon sa Pedia
PHOTO BY iStock
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Ayon sa Department of Health (DOH), meron nang 43,770 kaso ng dengue fever sa bansa sa unang bahagi ng 2017. Bagamat ang bilang ay 36.8% na mas mababa kaysa nung nakaraang taon (69,297 ang naitala), nakita naman ang pagtaas ng mga kaso sa Metro Manila (24.9%) (Bumaba ang mga kaso nito sa ibang rehiyon.)

    Habang patuloy ang DOH sa paghikayat sa mga Pinoy na gawin ang mga nararapat para maiwasan ang nakamamatay na sakit, pinayuhan naman ni Dr. Carmina Delos Reyes, isang pediatrician, na ugaliin ang pag-iingat ng buong taon, kahit tapos na ang maulang panahon. “Dati sa Pilipinas, seasonal ang occurrence ng dengue. Tag-ulan at tag-baha, doon lang ang rise in cases,” sabi niya sa Calpol-sponsored talk tungkol sa dengue sa nagdaang Smart Parenting Convention na ginanap noong ika-30 ng Hulyo.

    Ngayon, merong kasong itinatala sa bawat buwan ng taon. “All year round meron tayong dengue,” ani Dr. Delos Reyes na isang infectious disease specialist at kasapi ng Philippine Pediatric Society.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa mga magulang na may maliliit na anak, dapat magkaroon ng preventive measures o pag-iingat at paglaban sa sakit dahil sila ang nasa panganib sa matinding dengue disease. Kabilang sa mga dapat gawin ay ang pagsira ng mga lugar sa paligid ng bahay na pwedeng maging pugad ng mga lamok, pagsusuot ng maayos na damit sa iyong anak (long sleeves, pantalon, atbp.) at paggamit ng insect repellent lotion para sa mga batang may edad na 2 buwan pataas.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Importante ring alamin nila ang mga sintomas ng dengue fever dahil karamihan rito ay maaring mapagkamalan na ibang sakit o infection. Binigay na halimbawa ni Dr. Delos Reyes ang flu o trangkaso. “Parang pareho ng symptoms [dengue fever at flu]. But trangkaso or influenza is always with respiratory symptoms-- laging may sipon, ubo o makating lalamunan,” aniya.

    What other parents are reading

    Nagbigay si Dr. Delos Reyes ng mga bagay na dapat tandaan at bantayan para matukoy ang nakakahawang sakit na dala ng mga lamok. “We think of dengue fever if the child has high fever. Pabalik-balik yung lagnat na mataas every four to six hours,”aniya. (Iniisip natin na dengue fever kapag mataas ang lagnat ng bata. Pabalik-balik na lagnat sa loob ng apat hanggang anim na oras.) Gayundin, kadalasan ay “no identifying source of infection. So walang ubo. Hindi naglalabas ng plema. Hindi masakit ang pag-ihi-- walang UTI (urinary tract infection),” dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang lagnat ay maaring tumagal hanggang pitong araw; at pagkatapos nito, maaring maglabasan ang mga seryosong sintomas. “Kahit may gawin kayo o wala, mawawalan ng lagnat yung bata,”aniya. “That’s when the problem sets in.” (Doon nagsisimula ang problema.)

    Kung merong severe dengue ang iyong anak, magsisimulang magpakita ng mga nakakabahalang sintomas sa kanyang katawan tulad ng pagdurugo ng mga bahagi ng katawan, mababang blood sugar at shock. Maaring maapektuhan ng sakit ang mga importante parte ng katawan. “It starts kapag nawalan na ng lagnat yung bata,” an Dr. Delos Reyes. Madalas na binabantayan ng doktor ang mga bata kapag natapos na ang mataas na lagnat para matukoy kung dengue ba ito o hindi.

    Walang gamot sa dengue, pero matinding pag-antabay at suporta ang ibinibigay sa mga pasyente habang meron silang sakit. “Kapag lumagpas na tayo sa critical phase, that's when recovery sets in,” dagdag pa niya.

    What other parents are reading

    Binigyang-diin ng doktor na paracetamol ang nirerekomendang gamot para maibsan ang lagnat na dala ng dengue. “Paracetamol is recommended by the World Health Organization. We do not give aspirin. We do not give ibuprofen or other nonsteroidal anti-inflammatory drugs. They can further aggravate bleeding in the stomach, so the safest remedy really is to give paracetamol.” (Paracetamol ang nirerekomenda ng World Health Organization. Hindi kami nagbibigay ng aspirin. Hindi rin kami nagbibigay ng ibuprofen o iba pang non-steroidal anti-inflammatory drugs, dahil maari nilang palalain ang pagdurugo sa loob ng tiyan, kaya ang pinakaligtas na lunas ay ang pagbigay ng paracetamol.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paalala rin niya, painumin lang ng paracetamol ang bata kapag kinakailangan. “Hindi din natin ina-advice na round the clock ang paracetamol. Bibigay lang natin as needed for fever because dengue can affect a lot of organs including the liver, and paracetamol is metabolized in the liver. So ibibigay lang yung gamot kapag kailangan.”

    Huling payo ni Dr. Delos Reyes: kung sa palagay mo na maaring may dengue ang iyong anak, huwag nang maghintay na magpakita pa ito ng mas malalang sintomas. Kung meron kang napapansin na hindi pangkaraniwan sa ikinikilos niya, kumonsulta na agad sa doktor.

    What other parents are reading

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles